Nagpulong ang Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) ng Isabela de Basilan at Task Force El Niño upang tugunan ang mga potensyal na epekto ng El Niño sa naturang lungsod nitong taon.
Kabilang sa tinalakay ang mga hakbang kung papaano matugunan ang kakulangan sa suplay ng tubig at ang pagsiyasat sa mga napagtagumpayan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa taong 2023.
Ayon kay Isabela City Water District General Mngr. Muctar Muarip, nakapagtala ng pagbaba ng water supply mula noong Hulyo ng nakaraang taon nang maglabas ng El Niño Alert ang PAGASA.
Aniya naglatag na ng mitigation efforts mula pa noong nakaraang taon para masiguro ang suplay ng tubig sa unang dalawang buwan ng taong 2024.
Inaasahan naman aniya ang critical period sa buwan ng Marso hanggang Mayo dahil maaaring makaranas ng dry spell ang lungsod.| ulat ni Justin Bulanon| RP1 Zamboanga