Isang mataas na lider-komunista ang na-nutralisa sa engkwentro sa Brgy. Malagalad, Dumingag, Zamboanga del Sur, kaninang alas-3:57 ng madaling araw.
Kinilala ang nasawing terorista na si Aprecia Alvarez Rosette alyas Bam-Bam, ang secretary ng Western Mindanao Regional Party Committee, na may higit 30 warrants of arrest dahil sa kasong extortion, murder, arson at destruction of construction equipment.
Ayon sa inisyal na ulat, nagsasagawa ng combat operations ang mga tropa ng 102nd Infantry Brigade ng 1st Infantry Division, Philippine Army nang makasagupa nila ang apat na armadong miyembro ng teroristang grupo.
Tumagal ang sagupaan ng 10 minuto bago tumakas ang mga kalaban, at inabandona ang kanilang nasawing kasamahan.
Narekober din sa encounter site ang isang AK47 CZ 858; dalawang AK47 magazines na may 28 bala; isang Cal. 45 na may apat na bala; Back Pack; Medical Supplies; at mga personal na kagamitan. | ulat ni Leo Sarne