Pinagsusumite ng Joint House Panel on Public Order and Committee on Human rights ang Department of Health (DOH) ng kalatas na magtitiyak na pinag-aralan nitong mabuti ang mga amendment sa International Health Regulations (IHR) ng World Health Organization (WHO).
Sa pagdinig ng Joint House Panel sa House Resolution 1481 na naglalayong imbestigahan “in aid of legislation” ang “excessive death” nuong kasagsagan ng global pandemic.
Dahil sa health crisis, bumuo ang WHO ng 2 instrumento na ang “Pandemic Treaty” at ang amyenda sa International Health Regulations.
Nais matiyak ni Committee Chair Dan Fernandez na binusisi ng kagawaran ang 307 amendments sa IHR bago ito tuluyang maging legally binded o mraratipika ng mga miyembrong bansa ng WHO.
Partikular na tinukoy ni Fernandez ang article 23, ang “digital passenger locator forms” kung saan nilalalaman nito ang lahat ng impormasyong medical at personal ng lahat ng indibidwal — bagay na nakakalarma dahil ang WHO ay magakakaroon ng access sa lahat ng impormasyon ng mga mamamayan ng miyembrong bansa nito.
Diin ng mambabatas, bagaman mabuti ang hangarin ng ilang amiyenda, ilan sa mga detalye nito at diumano’y may paglabag sa soberanya ng mga bansa at karapatang pantao.| ulat ni Melany V. Reyes