Matapos ang halos maghapon na deliberasyon, idineklara ng Technical Working Group at Special Bids and Awards Committee ng Comelec ang joint venture na IONE Resources Inc, bilang kwalipikadong bidder para sa Electronic Transmission Service ng 2025 Midterm election.
Ito’y matapos ihain ng naturang kumpanya ang bid price nila na P1,426,000,348 para sa Electronic Transmission Service.
Bukod dito, nakumpleto rin ng IONE Resources Inc., ang mga kinakailangan na dokumento para sa nasabing proyekto.
Matapos silang manalo sa bidding, agad sasalang sa post bidding qualifications ang IONE Resources Inc., sa legal requirements at technical requirements sa loob ng limang araw.
Ipinasusumite na rin sa kanila ang mga transmission plan, connection plan ng mga computer, proposed contingency transmission plan at standard for audit.
Inutusan din ng Comelec ang kumpanya na itakda na ang demonstration ng magiging electronic transmission service. | ulat ni Michael Rogas