Naghatid ng pagkain ang Office of the Vice President (OVP) para sa mga responder at volunteer na tumulong sa iba’t ibang rescue at relief operations sa Davao Region.
Ito ay dahil sa malawakang pagbaha na dulot ng shear line at low pressure area.
Nagpadala ang OVP ng kanilang Kalusugan Food Trucks na nagbigay ng mainit na kape, noodles, at itlog para sa mga responder at volunteer.
Ayon sa OVP, hangad nilang mapawi ang pagod at puyat ng mga ito sa pamamagitan ng paghahatid ng mga pagkain.
Lubos naman ang pasasalamat ng OVP sa lahat ng nagtulong-tulong upang umagapay sa mga apektadong kababayan sa Mindanao. | ulat ni Diane Lear