Ibinida ni House Majority Leader at Zamboanga City 2nd district Rep. Manuel Jose ‘Mannix’ Dalipe na 94.7 percent nang tapos ng Kamara ang mga prayoridad na panukalang inilatag sa LEDAC at SONA para sa pagkamit ng prosperity agenda ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr.
Aniya, 54 sa 57 LEDAC bills ang aprubado na ng Mababang Kapulungan at kasalukuyang nakasalang sa technical working group at komite ang nalalabing tatlo.
Ito ang amyenda sa Electric Power Industry Reform Act, Budgent Moderniztion Bill at National Defense Act.
Kumpara aniya ito sa labing walo pa lamang na napapasa ng Senado.
Sa 54 na naaprubahang LEDAC priority measures, 11 na ang naging ganap na batas.
Pagdating naman sa labimpitong SONA priority bills na inilatag ng Pangulong Marcos Jr. noong nakaraang Hulyo, lahat ng ito ay tinapos at napagtibay na ng Kamara, habang lima pa lamang aniya ang naaksyunan ng Mataas na Kapulungan.
Giit ni Dalipe, patotoo ito na seryoso ang Kamara, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Martin Romualdez na suportahan ang prosperity and economic development agenda ni PBBM.
At gaya ng pagbibigay halaga nila LEDAC at SONA bills ay may sense of urgency rin sila sa pagpapatibay sa pag-amyenda ng economic provisions ng Saligang Batas.
“We have considered, deliberated on and passed all of the President’s priority bills and almost all of the LEDAC measures with a deep sense of urgency, which unfortunately was obviously not shared by our Senate colleagues” giit ni Dalipe.| ulat ni Kathleen Forbes