Naka-heightened alert ngayon ang Kamara matapos makatanggap ng mga banta sa seguridad.
Sa ambush interview kay House Secretary Gen. Reginald Velasco, sinabi nito na nakatanggap ng mga pagbabanta ang ilan sa miyembro ng Kamara.
Bagamat hindi na pinangalanan kung sino ang mga ito at kung ano ang banta na natanggap, kinumpirma ng opisyal na isa sa mga ito ay bantang pagpapasasbog sa Batasang Pambansa.
Kaya kagyat aniya siyang nakipag-usap sa House Sergeant at Arms, para maghigpit ng seguridad.
Itinaas ang heightened alert noon pa aniyang Biyernes.
“I have talked with the sergeant at arms, and i told him to impose strict security to all those who are entering the premises, particularly the non-member of the House and who are not employees of this institution. I cannot reveal the names of those who received threats but some members received threat … sinasabi lang baka bombahin itong House of Representatives, ganun. But as I’ve said, we take all these threats seriously.”, sabi ni Velasco sa media.
Maliban sa dagdag na security personnel ay maghihigpit din aniya sila sa mga motorsiklo.
Ngayon ay hanggang sa gate na lamang ang mga motor lalo na ang mga delivery.
Bawal na rin ang mga motorsiklo na mag-park o tumambay sa tapat ng anumang gusali sa loob ng Batasan Complex.
Isa kasi aniya sa napansin ng security ang paikot-ikot na motorsiklo sa bisinidad ng Kamara.
“…nireport sa akin ng security. There were some motorcycles going around the premises. Kaya pinagbawal na namin yung motorcycles being parked in front of any building. So we have designated special parking area for motorcycles. And then for those deliveries, we have instructed our security that deliverymen should stay at the gate.”, Dagdag ni Velasco.
Mananatili aniya ang heightened security status hanggang sa magdesisyon ang House leadership na humupa na ang banta.
Maliban naman sa naturang banta ay mayroon din aniyang mga attempt sa cybersecurity ng Kamara.
“We are not so happy with this attacks on this website. According to our IT group there have been —I don’t know if I will believe them— but millions of attempts to deface to hack our data, so there is really a cyber threat against the House of Representatives. Not just the websites but the data, data that we have to protect. | ulat ni Kathleen Forbes