Sisimulan na ng Kamara ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses No. 7 bukas, February 21, bilang committee of the whole.
Sa mosyon ni Deputy Majority Leader Janette Garin, magko-constitute ang Mababang Kapulungan bilang Committee of the Whole ganap na ala-una ng hapon bukas para isalang sa deliberasyon ang RBH7 na bersyon ng Kamara ng economic charter amendment.
Partikular na ipinapanukalang amyendahan dito ay ang Sections 12, 14, 16 ng 1987 Constitution.
Magsisilbing Chairman ng committee of the Whole si Speaker Martin Romualdez habang senior vice chair naman si Majority Leader Mannix Dalipe.
Vice chairs naman sina Senior Deputy Speaker Aurelio Dong Gonzales Jr. at Deputy Speaker David Suarez.
Itinalaga bilang floor leader si Deputy Majority Leader Neptali gonzales, habang assitant floor leaders naman sina Deputy Majority Leaders Janet Garin, Lorenz Defensor at Marlyn Primicias Agabas.| ulat ni Kathleen Forbes