Patuloy ang kampaniya ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo laban sa pagkalat ng sakit na dengue ngayong panahon ng El Niño.
Batay sa abiso ng Antipolo LGU, nag-iikot ang kanilang Operation Tumba – Aksyon Kontra Dengue Team sa iba’t ibang barangay para tuntunin ang mga pinamumugaran ng lamok.
Kasama sa kanilang mga iniikutan ang Sitio Gumamela Phase 5 sa Brgy. Sta. Cruz kung saan isinasagawa ang fogging operations at susunod naman ang iba pang barangay.
Kaya naman upang masiguro ang kaligtasan, hinikayat ng LGU ang mga residente nila na sundin ang 5𝗦 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗗𝗲𝗻𝗴𝘂𝗲.
Ito ay ang Search and destroy, Self-protect, Seek early consultation, Support fogging in outbreak areas at Sustain Hydration.
Para naman sa dengue-related concerns, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang City Health Office sa mga numerong: 8697-0362 / 8696-4097 o sa kanilang Official Facebook Page. | ulat ni Jaymark Dagala
📷: Jun-Andeng Ynares FB page