Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido ang pagbuhay sa kauna-unahang Combat Engineer Regiment ng Philippine Army sa seremonyang isinagawa sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija kahapon.
Ang bagong tatag na Combat Engineer Regiment ay binuo mula sa dating 55th Engineer Brigade na nakabase sa Lanao del Norte na malaki ang naging papel sa rehabilitasyon ng Marawi.
Si Brig. Gen. Ulpiano T. Olarte ang mamumuno sa bagong Combat Engineer Regiment na magbibigay ng engineering support sa mga army unit.
Ang hakbang ay bahagi ng paghahanda sa pagpalit ng prayoridad ng Philippine Army mula sa panloob na seguridad patungo sa panlabas na depensa.
Kasabay nito, ni-reorganize din ang 191st Military Police Battalion (191MPBn), Installation Management Command na pamumunuan naman ni Lt. Col. Jose Vergelio Pabon, upang mas epektibong mapangalagaan ang seguridad sa mga kampo militar. | ulat ni Leo Sarne
📷: Cpl Rodgen V. Quirante, OACPA