Opisyal nang sinimulan ang pagtatayo ng ikalimang University of Caloocan City (UCC) campus sa Crispulo Street, Barangay 180.
Ayon sa Caloocan LGU ang bagong campus ng UCC ay ilalaan sa pagkakaroon ng mga programa para sa Medicine at Health Sciences.
Magkakaroon din ito ng maraming laboratoryo, simulation room, at mga silid-aralan sa bawat isa sa tatlong gusali nito.
Ngayon pa lang, ipagmamalaki na ng lungsod ang pagkaroon ng sariling unibersidad at de kalidad na edukasyon na ibibibigay nito sa mga mag-aaral.
Sa pagtatayo ng UCC College of Medicine and Health Sciences, mas darami na ang mga propesyunal na mag aaral mula sa lungsod ng Caloocan sa iba pang larangan na may kinalaman sa medisina at kalusugan.
Sa ginanap na groundbreaking event, dinaluhan ito ng iba’t ibang local officials ng lungsod.| ulat ni Rey Ferrer