Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na 40% nang kumpleto ang konstruksyon ng Metro Manila Subway Project hanggang nitong January 2024.
Ito ang sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa isinagawang pag-inspeksyon sa naturang proyekto kasama si Finance Secretary Ralph Recto at si Japan International Cooperation Agency (JICA) Chief Representative to the Philippines Takema Sakamoto kahapon.
Ayon kay Baustista, sa tulong at suporta ng JICA inaasahang makukumpleto ang Metro Manila Subway Project sa 2029.
Nagpasalamat din ang kalihim sa Department of Finance at JICA sa patuloy na suporta sa proyekto na makapagbibigay ng maayos, komportable, accessible, ligtas, at murang biyahe para sa mga pasahero.
Nagpahayag naman ng suporta si Secretary Recto sa subway project. Aniya, tinatapos na ng Department of Finance ang loan agreement para sa ikatlong tranche ng financing sa March 2024. | ulat ni Diane Lear