Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9) ang konstruksyon ng P45 milyong halaga ng flood control project sa bayan ng Sibuco sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.
Ayon kay Engr. Cayamombao Dia, Regional Director ng DPWH-9, ang implementasyon ng naturang proyekto ay ipinatupad ng DPWH Zamboanga del Norte 4th District Engineering Office.
Ang embankment structure ay may habang 330 meters, at may taas naman na 4.90 meters.
Ito’y nagbibigay ginhawa’t kaligtasan sa mga residente ng Barangay Anongan na nanganganib ang buhay tuwing umaapaw ang tubig-baha dulot ng malakas na pag-ulan sa lugar.
Ayon kay Director Dia, ang naturang proyekto ay nagbigay rin ng proteksyon sa mga ari-arian at mga pananim ng mga residente na nilulunod ng malakas na agos ng tubig-baha. | ulat ni Lesty Cubol | RP Zamboanga
📸: DPWH Regional Office-9