Muling nagpaalala ang Quezon City Police District (QCPD) sa publiko na mag-ingat sa pagpapakalat ng mga mensahe o impormasyon online.
Ito’y kasunod ng mensaheng kumakalat sa social media kaugnay sa umano’y insidente na may kinalaman sa ‘chop-chop syndicate’ o scam ng ilang indibidwal na nagpapanggap na pulis.
Matapos itong imbestigahan ng QCPD, lumalabas na hindi lang ‘outdated’ ang impormasyon kundi isa ring fake news.
Nai-report na rin aniya ang kaparehong insidente noong 2017 ngunit wala namang anumang bagong ulat ng kaso na kahalintulad ng scenario na binanggit sa online posts gaya ng Green Meadows, Valle Verde, Binondo, at C5 malapit sa BGC.
Kinumpirma rin ng Police Station 12 na walang ongoing threat na may kaugnayan sa sinasabing chop-chop syndicate.
“Hoaxes and false news have the potential to harm the reputation of individuals and institutions involved. In this case, the Police Station 12 of QCPD confirms that there is no ongoing threat related to the alleged chop-chop syndicate as described in the message.”
Dahil naman dito, nagbabala ang QCPD na ang pagpapakalat ng fake news lalo ang mga nagdudulot ng panic ay isang criminal offense.
“Misinformation can have severe consequences, not only for the individuals involved but also for the wider community.”
Pinayuhan nito ang mga netizen na maging responsable sa social media at iwasang mag-share ng mga unverified information.
“It is incumbent upon all of us to verify the accuracy of any information before disseminating it further. We appreciate the cooperation of the public in promoting a safe and informed society.” | ulat ni Merry Ann Bastasa