Naresolba na ang dekadang away sa lupa ng Roxas and Co. Incorporated at mga magsasaka sa Batangas.
Ayon sa Department of Agrarian Reform, maipapamahagi na sa mga magsasaka ang nasa 1,322.23 na ektarya ng lupain sa Hacienda Palico, Banilad at Caylaway sa Nasugbu, Batangas.
Resulta ito ng consolidatedoOrder ng Department of Agrarian Reform noong Disyembre 29, 2023, at naging final and executory nitong Enero 30, 2024.
Batay sa nabuong kasunduan, ang halos kalahati ng kabuuang lupang pinagtatalunan ay ipapamahagi na sa may 1,200 na mga magsasaka.
Nauna nang idineklarang iligal ng Korte Suprema noong Disyembre 17, 1999 ang Notice of Coverage na inisyu ng DAR sa mga nabigyan ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA).
Pero, iniurong na ng Roxas and Co. Inc.ang lahat ng kaso at ibinigay na sa DAR ang exclusive authority at hurisdiksyon para aksyunan ang pamamahagi ng mga lupa sa mga benepisaryo. | ulat ni Rey Ferrer