Muling namahagi si Las Piñas Representative Camille Villar ng mga gamit pang eskuwela at libro sa mga kabataan sa lungsod.
Bilang bahagi ng “Handog Karunungan” book donation drive ng lady solon, nagsagawa ito ng story telling sa mga mag-aaral ng Balagtas Daycare Center sa Pamplona 1.
Kasunod nito ay nakatanggap din ng school supplies at backpacks ang nasa 110 mag-aaral habang nakatanggap din ng reading materials sa ilang guro ng daycare center.
Para kay Villar, ang pagbabasa ay isang magandang hakbang para mahimok ang mga mag-aaral na gamitin ang kanilang imahinasyon at mahikayat sila na magbasa.
Layunin din ng Handog Karunungan na makapagbigay sapat na resources sa mga daycare center para mapalakas ang kani-kanilang literacy program. | ulat ni Kathleen Forbes