Nagsanib-pwersa ang Department of Labor and Employment (DOLE) at International Business Machines Corporation (IBM) upang ilunsad ang isang platform na mag-aalok ng libreng online upskilling opportunities partikular sa mga high school and adult learners.
Alok ng nasabing SkillsBuild platform ang mga kurso sa digital literacy, customer support, at iba pang mga kasanayan.
Ayon sa DOLE, layunin ng inisyatibang ito na i-integrate ang platform sa PhilsJobNet at online program ng TESDA upang mapagbuti pa ang employability ng mga Pilipino sa evolving digital job market.
Binigyang-diin din ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma na sa ilalim ng partnership na ito ay mabibigyang ng sapat na kakayahan ang mga indibidwal na lalahok lalo na sa panahon ng digital age at ang kahalagahan ng skills development para sa pagpapanatiling competitive ng mga Pilipino sa kinahaharap na digital transformation.
Kapwa knilala naman ng TESDA at IBM ang kahalagahan ng pagsasanib-pwersa na ito ng ahensya ng gobyerno at probadong sektor sa pag-advance ng digital skills agenda ng bansa at pagsiguro ng isang sustainable at inklusibong workforce. | ulat ni EJ Lazaro