Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang nakatakdang pagtalakay ng Senado sa Resolution of Both Houses No. 6 (RBH6) sa susunod na linggo.
“We are heartened by the news that the Senate, finally, will commence hearings on Resolution of Both Houses 6 next week. This marks a significant step towards the much-awaited constitutional amendments,” ani Speaker Romualdez.
Aniya, hindi lamang ito isang legislative exercise bagkus ay hakbang para maisakatuparan ang hangarin ng mga Pilipino at pagpapaunlad sa potensyal ng bansa.
“We welcome this latest development as the announcement of Senate President Juan Miguel Zubiri demonstrates a united legislative front in addressing crucial changes that have the potential to shape the future of our country.”
Muli rin nitong inihayag ang kahandaan ng Kamara na makipagtulungan sa Senado upang matiyak na ang amyenda sa Saligang Batas ay para sa interes ng mga Pilipino.
“Asahan po ng ating mga senador na kasama nila ang House of Representatives sa misyong ito. Handa kami na umaksyon at aprubahan sa Kamara ang mga pagbabagong ipapasok ng Senado sa ating Konstitusyon. Matagal na namin itong hinihintay,” ani Romualdez.
Ikinatuwa rin ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na nakapagtakda na ng schedule ng hearing ang Senado.
Sabi pa nito na dahil sa Senado manggagaling ang bersyon ng charter amendment ay makatitiyak na wala talagang political provision na isasama sa cha-cha.
“Tayo po’y nasisiyahan dahil at last, may schedule na, madidinig na itong RBH6… Dahil po sa Senate po manggagaling yung version ng economic amendments sa ating constitution, therefore, they will be assured that we will not take up any political provision for that matter,” ani Barbers.
Umaasa naman si Rizal Representative Jack Duavit na magsisimula nang humupa ang tensyon ngayong umusad na ang RBH6 sa Senado.
“A lot of them were our colleagues. And I think this is the start of things simmering down and getting back to work. So we welcome it very much,” wika ni Duavit.
Pagsiguro naman naman ni Majority leader Mannix Dalipe na oras na matanggap ng Kamara ang bersyon ng Senado ay pagtitibayin nila ito para makapagsagawa na ng referendum.
Bagay na papatay naman sa people’s initiative dahil isang inisyatiba lang kada limang taon ang maaaring isagawa.
Batay sa unang pahayag ni Senate President Migz Zubiri, target nilang mapagtibay ang RBH6 sa Marso bago ang Holy Week Break ng Kongreso. | ulat ni Kathleen Jean Forbes