Nanawagan ngayon ang toxics at zero-waste watchdog na EcoWaste Coalition sa Chinese-Filipino community na panatilihin ang isang ligtas na non-hazardous celebration ng Chinese New Year.
Hirit nito, iwasan ang pagkakalat at paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa Year of the Wooden Dragon.
Paliwanag ng EcoWaste, bukod sa noise pollution, at posibleng physical injuries, may dala ring hazardous pollutants ang mga paputok na nakakaapekto sa kalidad ng hangin at maaring magdulot ng kapahamakan lalo na sa mga kabataan, buntis, at mga nakakatanda.
“The non-use of firecrackers and fireworks during the New Year revelry will protect the community member’s constitutionally guaranteed rights as well as help in upholding important environmental, health, and animal protection laws such as the Clean Air Act, Ecological Solid Waste Management Act, Clean Water Act, Climate Change Act, and the Animal Welfare Act,” ani Lucero.
Kaugnay nito, hiniling ng EcoWaste sa barangay at local leaders na hikayatin ang kanilang komunidad na tangkilikin ang mga alternatibong pampaingay sa selebrasyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa