Patuloy na pinagtitibay ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga sa pamamagitan ng City Health Office ang Oplan Goodbye Bulate sa lungsod upang maabot ang 85% target coverage.
Kabilang sa mga isinasagawang hakbang ng CHO ay ang pagbabahay-bahay at school-based strategies upang maibigay ang deworming tablets sa mga bata at kabataang edad 1-19 na taong gulang.
Nagsimulang ipatupad ng Department of Health ang Oplan Goodbye Bulate noong nakaraang buwan upang masugpo ang tumataas na insidente ng intestinal worm infection sa bansa.
Ayon sa DOH IX, hindi pa naaabot ng rehiyon ng Zamboanga Peninsula ang national target na 85% coverage sa iilang mga barangay, munisipalidad, at mga lungsod sa rehiyon kabilang na ang lungsod ng Zamboanga. | ulat ni Justin Bolanon | RP1 Zamboanga
📷 Zamboanga City LGU