Pormal nang ilulunsad bukas, ng Department of Transportation Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3) ang kanilang “Love Train.”
Ito ay bilang pakikiisa ng DOTr-MRT 3 sa selebrasyon ng buwan ng pag-ibig o love month ngayong Pebrero 2024.
Pangungunahan ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino ang programa at mga aktibidad.
Sasakay si Aquino ng train dakong alas 10 ng umaga mula sa North Avenue Station sa Quezon City hanggang Ayala Station sa Makati City.
Magkakaroon umano ng maiksing programa na magtatampok ng harana sa may Love Booth ng MRT 3 bilang backdrop sa Ayala Station.| ulat ni Rey Ferrer