Nagpasalamat si LTO Chief Vigor Mendoza II sa Anti-Red Tape Authority dahil sa pagkilala sa pagsisikap na higit pang mapabuti ang kadalian ng pakikipagtransaksyon sa ahensya.
Sinabi ni Mendoza, nagkaroon na umano ng malaking pagbabago na habulin ang mga fixer at iba pang corruption-related campaigns sa LTO.
Sa kabila ito ng maraming reklamo may kinalaman sa mga transaksyon noong nakalipas na taon.
Aniya, ang full digitalization efforts, na siyang marching order ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. ay hindi lamang nakatutok sa mabilis at komportableng transaksyon sa LTO kundi mabawasan ang human intervention sa lahat ng transaksyon.
Sa ngayon aniya, nasa 97% na ang paggamit ng bagong IT system at sinisikap pang tugunan ang natitirang 3% na magbibigay daan sa 100% na full digitalization.
Ang natitirang 3%, ay mga transaksyon na hindi maproseso sa ilalim ng bagong system, dahil sa internet connectivity issues lalo na sa mga lalawigan.| ulat ni Rey Ferrer