Sinasamantala ng ilang mamimili ang mababang presyuhan ng itlog sa mga pamilihan.
Dahil dito, kaniya-kaniyang diskarte ang mga mamimili hinggil sa paghahanda at pagkonsumo ng binibili nilang itlog.
Nabatid na inirerekomenda kasi ng ilang eksperto ang pagkain ng itlog kada araw dahil sa mabuting idinudulot nito sa kalusugan gaya ng pag-iwas sa cardio vascular diseases at mabisang source ng protina.
Ilan sa mga nakausap ng Radyo Pilipinas ang nagsabing isang beses kada araw sila kumakain ng itlog habang may iba naman na tatlong itlog ang kinakain kada araw lalo’t swak ito sa iba’t ibang putahe.
Pero sa panig ng ilang mga nagtitinda ng itlog, sa kabila ng mababang presyo ay nananatiling matumal ang bentahan nito.
Sa ngayon kasi, nasa 20 hanggang 30 ang ibinaba sa kada tray ng itlog depende sa sukat o katumbas ng ₱5 hanggang ₱9 kada piraso. | ulat ni Jaymark Dagala