Magkasunod na lindol, tumama sa Surigao del Sur ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawang magkasunod na lindol ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa bahagi ng Surigao del Sur ngayong umaga.

Bandang alas-8:10 kanina nang unang tumama ang magnitude 5.6 na lindol ang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 10 kilometro sa lupa.

Ayon sa Phivolcs, aftershock pa rin ito ng naitalang Magnitude 7.4 na lindol sa lugar noong Disyembre 2023

Makalipas ang ilang minuto o bandang 8:23 ay niyanig naman ng Magnitude 5.4 na lindol sa bahagi ng Cagwait, Surigao del Sur.

Naitala ang sentro nito sa layong 82 kilometro timog-silangan ng Cagwait.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 15 kilometro sa lupa.

Naramdaman naman ang:

Intensity V – Hinatuan, Surigao del Sur

Intensity IV – City of Bislig, Surigao del Sur

Wala namang inaasahang aftershock at pinsala kasunod ng lindol. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us