Aabot sa 13,000 pamilya ang natulungan ng Office of the Vice President (OVP) sa tatlong araw na relief operations nito sa Davao Region na apektado ng malawakang pagbaha dulot ng pag-ulan.
Batay sa datos ng OVP, partikular sa mga nahatiran ng tulong ay ang mga lalawigan ng Davao del Norte, Davao de Oro, at Davao Oriental.
Pinangunahan ng OVP Disaster Operations Center katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) gayundin ng Provincial Social Worker and Development Office (PSWDO) ng mga nabanggit na lalawigan.
Mula 2023, aabot sa mahigit 487 na indibiduwal ang nahatiran ng tulong ng OVP sa Luzon, Visayas, at Mindanao. | ulat ni Jaymark Dagala