Kaisa si Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred delos Santos sa mga nalulugod sa magandang datos tungkol sa pagbagal ng inflation at pagbaba ng unemployment at underemployment sa buong bansa.
Aniya, ang mga datos na ito ay patotoo sa masiglang ekonomiya ng bansa na ramdam hanggang sa mga probinsya.
Sabi ni delos Santos, magandang simula ito sa pagpasok ng 2024 at umaasa siyang magpatuloy ang magandang economic activity sa kabuuan ng taon.
“The favorable overall economic indicators that have come out for December and January bode well for the coming months. These are good starting points or springboards for more economic activity for the rest of 2024, which is the first full year without the shadow of the pandemic that was lifted in July 2023.” sabi ni delos Santos.
Kaya payo ng mambabatas, gamitin ito ng mga ahensya ng pamahalaan para masigurong mararamdaman ng lahat ng Pilipino ang benepisyo nito lalo na at may banta ng El Niño.
Dapat din aniyang maging epektibo ang paggugol sa 2024 national budget at mairlabas ito on time para mas dumami pa ang trabaho at mapalakas ang mga negosyo.
“For this year, we want to see the 2024 national budget put to good use and released in a timely fashion so that its benefits, jobs, and enterprise boost happen at the time they are needed most.” saad pa ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Forbes