Abiso sa mga motorista.
Magsasagawa ng emergency leak repair ang Manila Water sa kahabaan ng Corregidor Street corner EDSA, Barangay Bago Bantay, Quezon City.
Ito ay dahil sa nakikitang tagas sa tapping point ng isang fire hydrant sa lugar.
Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang pagkukumpuni mamayang alas-10 ng gabi hanggang bukas ng alas-4 ng madaling araw.
Pansamantala namang hindi madadaanan ang lugar habang isinasagawa ang emergency repair.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Humingi naman ng paumanhin ang MMDA sa mga maabala ng naturang aktibidad.| ulat ni Diane Lear