Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na epektibo ang kaniyang administrasyon.
Ito ayon sa Pangulo ay dahil nagagawa naman nila ang mga kinakailangang gawin. Napaglilingkuran naman nila ang mga Pilipino, at marami naman nang naipatutupad ang gobyerno.
“Well, we get things done. We get more things done than most other people. So, I think that’s the most important thing. I don’t know how you would define one or the other. Ang importante naman diyan, we’re here to serve. As long as we’re able to do that then we’re effective. And that’s what’s important.” —Pangulong Marcos Jr.
Tugon ito ng Pangulo sa tanong kung hindi ba siya maituturing na isang mahinang pangulo.
Sabi ni Pangulong Marcos, ang importante lamang naman sa usaping ito ay kung napaglilingkuran ba ang mga Pilipino.
Kaugnay nito, sinabi rin ng Pangulo na patuloy ang paglakas ng intel services ng pamahalaan lalo na ngayong mas marami na ang dapat bantayan.
“Well, pinatibay talaga natin ang ating intelligence services. It’s much better than it was before because marami nang ibang bagong kailanagan na bantayan. So, yes they’ve been doing a good job.” —Pangulong Marcos.
Pahayag naman ito ng Pangulo nang tanungin kung gaano ka-epektibo ang intel gathering ng bansa, laban sa mga umuugong na destabilization plot laban sa administrasyon.
Gayunpaman, nilinaw ng Pangulo, ang intel gathering ng bansa ay mas nakatutok sa panlabas na banta sa Pilipinas kumpara sa panloob na bansa.
“Maayos naman ang trabaho nila but then, I think more than anything, they are really directed towards external threats rather than internal, because those are more serious as far as we’re concerned.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan