Kaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Muslim community sa paggunita nila ngayong araw ng Isra Wal Mi’raj o ang Night journey and Ascension of the Prophet Muhammad.
Sa mensahe ng Chief Executive, sinabi nitong Isa Ang Isra Wal Mi’raj sa pinakapinagdiriwang na okasyon na kung saan ay lumalarawan ito sa mga gantimpala na maaaring makamtan ng ating mga kapatid na Muslim sa pamamagitan ng pagtitiwala.
Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na ang ganitong okasyon ay isa sa pinagkukunan ng lakas ng mga kapatid na Muslim at maaaring makapitan sa tuwing dumarating ang mahihirap na sitwasyon.
Dagdag ng Chief Executive na ang Isra Wal Mi’raj ay nagpapakita rin ng kaluwalhatian at kapangyarihan ni Allah na handang gantimpalaan ang sinomang mananatiling tapat na mananampalataya.
Kaugnay nito’y hangad din ng Pangulo ang pagpapala para sa okasyong ito habang sabay-sabay aniya na humaharap sa pagbabago ng bansa at sinisikap na makamit ang mas mapayapa, mas inklusibo, at mas progresibong bayan para sa lahat ng Pilipino. | ulat ni Alvin Baltazar