Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa maritime agencies at stakeholders na makilahok sa mga hakbangin ng pamahalaan sa ilalim ng Maritime Roadmap 2028 na bahagi ng Bagong Pilipinas campaign ng administrasyon.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, kailangang naka-ayon sa roadmap ang mga proyekto at programa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gayundin ng pribadong sektor para pag-ibayuhin ang serbisyo sa publiko.
Sa DOTr Maritime Sector Town Hall Meeting sa Davao City kaalinsabay ng ika-125 anibersaryo ng kagawaran, sinabi ni Bautista na kinakailangang iisa lang ang tinatahak na landas ng bawat kasapi ng maritime sector.
Ilan sa mga ahensyang kabilang dito ay ang Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Ports Authority (PPA), Philipppine Merchant Marine Academy (PMMA), at Cebu Port Authority.
Giit pa ng kalihim na sa pamamagitan ng pagpasok sa tinatwag na Blue Economy, makatutulong ito na malabanan ang climate change at mapanatili ang biodiversity ng bansa. | ulat ni Jaymark Dagala