Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas mabilis at mas magandang serbisyo ng pamahalaan sa taumbayan dahil sa inaasahang mas mabilis na fiber internet sa mga susunod na panahon.
Kasunod ito ng paglulunsad ng Philippine Domestic Submarine Cable Network o PDSCN na sinasabing may pinakamataas na capacity sa lahat ng domestic submarine cable network sa bansa.
Ayon sa Pangulo, hagip kasi ng nasabing telecommunications project ang ipinupursiging digitalization ng kaniyang administrasyon na naglalayong mapabilis at mas mapadali ang transaksiyon sa pamahalaan.
Sa harap nito ay muling siniguro ng Pangulo ang commitment ng gobyerno hinggil sa pagpapatupad ng ‘ease of doing business’ para sa mga mamumuhunan.
Ito ayon sa Chief Executive ay para mapabilis ang mga kailangang proseso ng nga mamumuhunan na nais maglagak ng kanilang negosyo dito sa bansa. | ulat ni Alvin Baltazar
📷: PCO