Inatasan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na palakasin ang presensya ng militar sa dulong hilagang bahagi ng bansa.
Ang kautusan ay ibinigay ng kalihim sa kanyang pagbisita kahapon sa Naval Detachment sa Mavulis Island, ang pinaka-hilagang isla ng bansa; at sa itinatayong Naval Forward Operating Base Mahatao sa Batan Island, Batanes.
Kasama ng kalihim sa kanyang pagbisita si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.; Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr.; Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lieutenant General Fernyl Buca; Naval Forces Northern Luzon Commander Commodore Francisco Tagamolila; at 4th Marine Brigade Commander Brigadier General Vicente Mark Anthony Blanco III.
Sa kanyang pahayag, binilinan ng kalihim ang militar na magdagdag ng mga istraktura at palawakin ang kanilang presensya sa Batanes, bilang “spearhead” ng depensa sa hilagang bahagi ng bansa.
Nanawagan din ang kalihim ng mas malapitang kooperasyon sa pagitan ng AFP, iba pang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan, para mas epektibong mapangalagaan ang mga stakeholder tulad ng mga mangingisda sa lugar. | ulat ni Leo Sarne
📸: NFNL