Ginawaran ng Presidential Medal of Merit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang master tattoo artist at nag-iisang Master mambabatok na si Apo Whang-Od, ngayong araw (February 14).
Sa awarding ceremony ng 2023 Outstanding Government Workers sa Malacañang, kinilala ng Pangulo ang kontribusyon nito sa pag-preserba ng tradisyunal na sining at practices ng Pilipinas.
“For other work that made her a Filipina worthy of our respect, and our admiration. She is a pioneer in shattering gender stereotypes, venturing into tattooing when it was just a man’s exclusive preserve.” —Pangulong Marcos.
Binibigyang parangal aniya ng bansa ang gawa ni Whang-Od, na nagpakilala sa kaniya at sa Pilipinas sa buong mundo.
“She is a keeper of the oral traditions and a mentor in teaching a new generation of artists, thus ensuring her art form lives on to tell tales of her community’s history. Her craft and stature as an internationally recognized artists, raised international awareness of our country’s rich cultural heritage.” —Pangulong Marcos.
Ngayong hapon din, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang paggawad ng Presidential Lingkod Bayan Award, Dangal Award, at CSC Pagasa Award para naman sa government workers na nagpamalas ng natatanging dedikasyon sa kanilang trabaho.
Sabi ng Pangulo, magsilbi sanang inspirasyon ang mga ito sa iba pang public servant kasabay ng panawagan na ipagpatuloy ang kanilang mabuting trabaho, at pagsusulong ng inobasyon tungo sa Bagong Pilipinas.
Makakaasa aniya ang mga kawani ng pamahalaan na patuloy na isusulong ng Marcos Administration ang kapakanan ng mga ito.
Ilan lamang sa mga insentibo na matatanggap ng mga pinarangalan ay ang automatic promotion para sa susunod na mas mataas na posisyon, o salary increase; cash reward na nagkakahalaga ng P200,000 para sa individual awardees habang P100,000 para sa bawat miyembro ng group award; Gold medal; Presidential Plaque with citation; Scholarship grant para sa awardee o isang qualified beneficiary nito; At free one time executive check-up. | ulat ni Racquel Bayan