Matataas na kalibre ng armas nakumpiska ng militar sa serye ng engkwentro sa Negros Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa serye ng engkwentro kontra sa New People’s Army sa Negros Occidental, nakumpiska ng 79th Infantry Battalion Philippine Army ang 16 na high-powered firearms mula sa mga rebeldeng komunista.

Sa 16 na nakumpiska, 10 ang nakumpiska sa sunod-sunod na engkwentro sa bulubunduking lugar ng Toboso at Escalante City mula Pebrero 21 hanggang 22.

Nagsagawa rin ng air strike ang militar gamit ang dalawang Agusta Westland-109 Attack Helicopter Nighthawk sa Sitio Mansulao, Barangay Pinapugasan sa Escalante City.

Karagdagang 6 na high powered firearms naman ang nakumpiska ng militar kahapon, Pebrero 27 sa patuloy na operasyon kontra NPA sa nasabing lugar.

Pinuri naman ng 3rd Infantry Division ang militar sa matagumpay na combat military operations laban sa natitirang rebelde sa Negros Occidental.

Pursigido ang 3rd Infantry Division sa hangaring maging stable ang Internal Peace and Security sa isla ng Negros. | ulat ni Paul Tarrosa | Radyo Pilipinas Iloilo

📷 3rd Infantry Division

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us