Pinangunahan ni Philippine Air Force Commanding General Lieutenant General Stephen Pareño ang Joint Change of Chief of Office and Command Ceremonies sa Villamor Air Base sa Pasay City, kahapon.
Dito’y pormal na iniluklok bilang bagong Vice Commander ng Philippine Air Force si dating Air Defense Commander Major General Augustine Malinit.
Pinalitan ni Maj. Gen. Malinit si Maj. Gen. Ramon Guiang, na itinalaga naman bilang bagong Commander of the Air Education, Training, and Doctrine Command, na dating posisyon ni Maj. Gen. Aristotle Gonzales.
Si Maj. Gen. Gonzales ang pumalit Kay Maj. Gen. Fabian Pedregosa bilang Chief of Air Staff PAF, at si Maj. Gen. Pedregosa naman ang umupo bilang bagong Commander, Air Defense Command.
Sa kanyang mensahe, binati ni Lt. Gen. Parreño ang apat na heneral sa kanilang mga bagong pwesto, at sinabing mahalaga ang kanilang mga papel sa pagsulong ng kredibilidad, kapabilidad, at pagpapaunlad ng PAF. | ulat ni Leo Sarne