Inanunsyo ngayon ng Manila Electric Company (MERALCO) na magpapatupad sila ng dagdag singil sa kuryente ngayong buwan.
Batay sa abiso ng MERALCO, 57 sentimos kada kilowatt hour ang itataas sa monthly bill ng mga customer nito.
Katumbas iyan ng P115 na dagdag singil para sa mga kumokonsumo ng 200kwh.
Habang P287 naman ang dagdag singil para sa mga kumokonsumo ng 500kwh.
Paliwanag ng MERALCO, tumaas kasi ang singil ng Wholesale Electricity Spot Market o WESM.
Idagdag na rin diyan ang pagtaas ng singil sa Generation Charge ng mga planta ng kuryente. | ulat ni Jaymark Dagala