Nakapili na ang Manila Electric Company (MERALCO) ng generation company para sa 400-megawatt interim supply requirement nito.
Ito ay sa isinagawang competitive selection process na nagtapos ngayong araw.
Sa tatlong bidder na sumali, dalawa ang nagsumite ng mga dokumento, technical proposal, at bid price.
Ang Limay Power Inc. ang nakakuha ng proyekto na nag-bid ng headline electricity rate na P6.27 per kilowatt-hour habang at Masinloc Power Co. Ltd ang pangalawa na may bid na P6.29 per kilowatt-hour.
Ito ay parehong pasok sa itinakdang presyo para sa bidding na P6.35 per kilowatt-hour.
Ang naturang 400-megawatt na baseload requirement ng Meralco para taong 2024 ay alinsunod sa Power Supply Procurement Plan na inaprubahan ng Department of Energy (DOE).| ulat ni Diane Lear