Nagbabala ang Manila Electric Company (MERALCO) sa publiko kaugnay sa mga kumakakalat na text message na mula umano sa kanilang opisyal na SMS channel at naglalaman ng pekeng link.
Ayon sa abiso ng Meralco, hindi ito totoo at huwag i-click ang link dahil ito ay hindi galing sa kanila.
Batay sa ulat, nakatanggap ng text message ang ilan sa customers ng Meralco na naglalamang ng external link mula sa nagpapanggap na kanilang SMS channel.
Sa ngayon, ipinag-utos na ng kompanya na i-block ang link at kasalukuyan na rin itong iniimbestigahan.
Nagpapaalala naman ang Meralco sa kanilang mga customer na maging mapanuri upang hindi mabiktima ng scam.| ulat ni Diane Lear