Dinepensahan ni Speaker Martin Romualdez ang pamahalaan mula sa mga akusasyon ng televangelist na si Pastor Apollo Quiboloy laban sa gobyerno.
Sa isang audio statement na inilathala ni Quiboloy sa kaniyang social mediap page, sinabi nito na mayroong sabwatan sa pagitan ng Philippine government at foreign authorities.
Giit ni Romualdez, walang basehan ang mga pahayag na ito ng pastor at ginagamit lamang para mailihis ang atensyon sa mga kinakaharap nitong mga reklamo.
Ayon sa House leader, ang pamahalaan at mga opisyal nito, lalo na ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay umaaksyon salig sa ibinigay na kapangyarihan ng Saligang Batas.
Kinikilala din aniya nila ang rule of law at pagtiyak sa kaligtasan ag seguridad ng lahat ng indibiwal.
Payo naman ni Speaker Romualdez na harapin na lamang ni Quiboloy ang mga reklamo laban sa kaniya.
“The claims of connivance with foreign entities for illicit activities are unfounded and divert attention from the serious legal matters at hand. Our focus remains on serving the Filipino people and fostering relationships that benefit our nation, devoid of any engagement in criminal activities. We encourage Pastor Quiboloy to address his legal challenges through the proper legal channels and respect the legal processes in place.” Giit ni Speaker Romualdez.
Nagpaalala din ang lider ng Kamara sa publiko na maging maingat sa pagtanggap ng mga impormasyon at manalig sa proseso at justice system ng bansa.
“As public servants, we are dedicated to transparency, integrity, and the welfare of our country. We remain steadfast in our duties and responsibilities to the Filipino people and will not be swayed by baseless accusations. We advise the public to remain discerning of information and trust in the processes that uphold justice and democracy in our nation.” pagtatapos ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes