Pinulong ni Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator for Operations Assistant Secretary Hernando Caraig Jr., at OCD Region XI Director Ednar Gempesaw Dayanghirang ang mga alkalde sa bayan ng Braulio Dujalo at Carmen sa Davao del Norte.
Ito’y para kumustahin ang sitwasyon doon ng mga apektadong indibidwal dala nang matinding pag ulan at pagbaha sa Davao Region dahil sa trough ng Low Pressure Area.
Kasama sa kanilang inikutan ang mga evacuation centers doon kasama ang mga alkalde ng mga nabanggit na lokalidad.
Natalakay din sa pulong ang interventions na gagawin ng local at national government para maiwasang mangyari ang kahalintulad na insidente.
Sinabi naman ni Caraig na nakatakda pa silang bumisita sa ibang lugar sa Davao Region, oras na humupa na ang baha
Nananatiling pahirapan pa rin ang pagpasok sa ilang mga lugar dahil sa mga kalsadang hindi madaanan. | ulat ni Jaymark Dagala