Mga biktima ng magkakasunod na sunog sa QC, hinatiran ng tulong ng pamahalaang lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pag-agapay ng Quezon City government sa mga pamilyang nabiktima ng magkakasunod na sunog sa lungsod.

Kasama sa nahatiran ng relief at material assistance ang 185 pamilyang nasunugan sa Barangay Culiat.

Nagsagawa na rin ng interview at onsite assessment ang Social Services Development Department sa mga biktima.

Samantala, pinangunahan naman ni Mayor Joy Belmonte ang pagbibigay ng financial aid sa 135 pamilyang nasunugan sa Barangay Tatalon.

Bawat pamilya ay nakatanggap ng ₱10,000 tulong para sa mga house owner, habang ₱5,000 para sa mga renter o sharer.

Nauna nang nagbahagi ang lungsod ng material assistance, at relief goods sa mga nasunugan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us