Binigyan ng closure order ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang mga establisyimento na mayroong POGO, e-games, at e-bingo.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, isang taong palugit ang ibinigay nila sa mga negosyong ito bago tuluyang ipasara.
Nasa 18 na mga estabilisyimento na nag-o-operate ng e-games at e-bingo na napaso ang permit noong December 31 ang kabilang sa mga ipinasara dahil sa patuloy pa rin ang operasyon. Habang ani Sotto ilan sa mga POGO sa lungsod ay ipinasara na noong unang termino niya bilang alkalde.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Business Permit and Processing Department at Pasig PNP na ang paghahain ng closure order nitong Biyernes sa mga iligal na POGO, e-games, at e-bingo sa lungsod.
Nabatid na mayroong ipinasang ordinansa ang Pasig LGU na nagbabawal sa mga POGO, e-games, at e-bingo sa lungsod.
Binigyan diin naman ni Mayor Sotto na ang mga ito ay walang naidudulot na maganda sa lipununan lalo pa aniya ang marami na ang nakulong, nagpakamatay, at mga kaso ng human trafficking kaugnay nito.| ulat ni Diane Lear