Wala nang iisipin pa ang mga nais maging botante pero walang mga ID galing sa pamahalaan.
Ayon kasi kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Aimee Ferolino, hindi lang naman government issued IDs ang batayan para sa pagpapatala ng isang Pilipino bilang botante.
Kailangan lamang aniya na makipag-ugnayan ng nais magparehistro sa nakasasakop sa kanyang lugar na election officer para mahanapan ng tugon ang kawalan ng government issued ID.
Sinabi ni Ferolino, na maaaring magprisinta ng school records na makapagpapatunay sa paninirahan ng indibidwal o kaya ay testigo na magpapatotoo na residente ito sa kanilang barangay | ulat ni Lorenz Tanjoco