Positibo ang Japanese government na maganda ang mga isinasagawang pamamaraan at hakbangin ng Pilipinas sa pagpapalakas ng investment at business environment sa bansa.
Ayon kay Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa, malaki ang kaniyang pagtitiyak na mas maraming mga bansa ang magnanais na mamuhunan sa Pilipinas lalo na sa pagsasaayos ng mga polisiya at maging sa business environment ng bansa.
Dagdag pa ni Koshikawa, asahan din ang pagpasok ng mas maraming mga kumpanya mula sa kanilang bansa dahil sa maayos na pamamalakad ng gobyerno ng Pilipinas sa mga foreign direct investment na nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa huli, muling iginiit ni Kosihikawa na magpapatuloy ang kanilang bansa sa pag-agapay sa Pilipinas sa pagpapaunlad ng imprastraktura at ekonomiya ng bansa. | ulat ni AJ Ignacio