Nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Katoliko na sumama sa gagawing Walk for Life, sa Sabado sa University of Sto. Tomas Maynila.
Ang Walk for Life ay pangungunahan ng mga Obispo, Pari, Madre, mga laico at iba pa.
Layunin nito na hikayatin ang mga Kristyano na pahalagahan ang buhay at ipanalangin ang mga namatay na sanggol dahil sa kapabayaan.
Magsisimula ang sama-samang paglalakad mula Quirino Grandstand sa Maynila at Welcome Rotonda sa Quezon City patungong oval ng UST sa Espanya Boulevard Maynila.
Pagdating sa UST ay isang misa ang pangungunahan ni Manila Cardinal Jose Advincula na arsobispo ng Maynila.
Ang Tema ng Walk for Life ngayong taon ay ‘Together, We Waln for Life’ kung saan tatayo nilang guest speaker si Bernard Canaveral ng Pro Life Philippines.
Ang Walk for Life ay sinimulan noong 2017 bilang pagkondena sa walang humpay na pagkitil ng buhay dahil sa ikinasang drug war ng nakaraang administrasyon.
Mula moon ay naging taon-taon na ang ginagawang walk for life para protektahan ang bawat buhay mula sa abortion, divorce at same sex marriage. | ulat ni Michael Rogas