Umabot na sa 10 ang nasawi sa nangyaring landslide sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro nitong nakaraang Martes ng gabi, Pebrero 6, 2024.
Ito’y base sa inilabas na situational report ng Coast Guard District Southeastern Mindanao ngayong Huwebes ng hapon.
Ayon sa ulat, as of 2:38 ng hapon, na-retrieve na ang nasabing bilang ng patay samantala nasa 31 ang nasugatan habang 49 ang nawawala.
Sa mensahe ni Coast Guard District Southeastern Mindanao Chief of Staff Commander Angela Tobias, sinabi nito na patuloy pa rin ang ginagawang retrieval operation at tumutulong na ang rescue dog nito para hanapin ang mga nawawala sa nasabing insidente. | ulat ni Armando Fenequito | RP Davao
📸: Coast Guard District Southeastern Mindanao