Sumampa na sa 1,805 indibidwal na nagpalaboy sa mga lansangan sa NCR ang natulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Oplan Pag-Abot.
Ayon kay DSWD Social Technology Bureau Division Chief Marilyn Moral, umabot na sa 321 ng mga naabot na pamilya at indibdiwal sa lansangan ay nabigyan na ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program habang umakyat sa 590 ang napauwi sa kani kanilang probinsya matapos maasistehan sa Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program (BP2).
Mayroon namang 1,064 reached-out individuals ang pansamantalang nananatili sa temporary shelter ng DSWD at Residential Care Facilities.
Anya mas concentrated ang tulong ng Oplan Pag-Abot sa Metro Manila dahil mas maraming bilang ng mga mamamayan na naninirahan dito sa mga lansangan .
Tiniyak naman ng DSWD na pinaiigting pa nito ang Oplan Pag Abot ngayong 2024 sa pamamagitan ng pakikipag tulungan ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno. | ulat ni Merry Ann Bastasa