Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na magiging abot-kamay na ng mga ordinaryong Pilipino at micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ang mabilis at murang serbisyo ng internet sa bansa.
Ito ay matapos na maisabatas ang Open Access in Data Transmission Bill na layong isulong ang mga pagbabago sa telcommunication sector.
Ayon sa NEDA, partikular na isinusulong ng batas ang kompetisyon sa telco sector sa pamamamagitan ang pag-aalis ng legislative franchise para sa mga player na nais bumuo ng sarili nilang network.
Naglabas naman ng policy note ang ahensya upang maipabatid sa publiko at stakeholders ang mga kinakailangan reporma sa telco sector at benepisyo ng naipasang batas.
Binigyang diin ng NEDA na mahalaga ang mga pagbabago sa telco sector upang makagbigay ng mas maayos na serbisyo ng internet sa mga consumer at mapaigting ang digitalization sa bansa.| ulat ni Diane Lear