Umaapela si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga nagsusulong na ihiwalay ang Mindanao sa ibang parte ng Pilipinas na tigilan na ang mga panawagang ito.
Ayon sa Pangulo, nakatakdang mabigo ang panawagan na ito, dahil naka-angkla ito sa maling basehan at taliwas sa itinatakda ng Konstitusyon.
Sabi ng Pangulo, ang mga lider na aniya sa BARMM ang tumatanggi sa proposal na paghihiwalay ng Mindanao.
“The new call for a separate Mindanao is doomed to fail, for it is anchored on a false premise, not to mention a sheer Constitutional travesty. The current leadership of BARMM itself has repudiated this preposterous proposal.” — Pangulong Marcos.
Maging ang iba pang political leaders sa rehiyon ay tutol rin dito.
Pagbibigay diin ng Pangulo, mayroon nang tunay, epektibo, at gumaganang local autonomy sa bansa, lalo na sa BARMM, nang hindi nako-kompromiso ang national integrity ng bansa.
Sabi ng Pangulo, ang paghihiwalay sa Mindanao ay hindi ang Bagong Pilipinas na hinuhubog ng Marcos administration, lalo’t pagkakawasak-wasak lamang ang isinusulong ng mga panawagang ito.
“I strongly appeal to all concerned to stop this call for a separate Mindanao. This is a grave violation of the Constitution. Hindi ito ang Bagong Pilipinas na ating hinuhubog.” — Pangulong Marcos.
Ang Konstitusyon aniya ay nananawagan ng pagkakaisa at pagiging ‘undivided’ ng bansa.
At walang anumang nilalaman ang Konstitusyon na pumapayag sa paghihiwalay ng anumang bahagi ng Pilipnas.
“It calls for eternal cohesion. For this reason, unlike other constitutions, there is nothing in ours that allows the breaking up of this union, such as an exit provision. On the contrary, our Constitution does not recognize a right to rebellion while our criminal laws punish it. The government has sternly enforced these laws to the letter and spirit, and this administration will be no exception.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan