Kinumpirma ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma na bagamat hindi agaran ang resulta ng mga biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ibang bansa ay nagbubunga na ito partkular sa labor sector.
Ito ang naging pahayag ni Laguesma matapos ang pagtaas ng mga bilang ng may trabaho sa bansa.
Paliwanag pa ng kalihim, base sa kanilang conservative estimate, may 300,000 nang mga trabaho ang nagbunga mula sa mga biyahe ng Pangulo sa ibang bansa.
Kaya naman malinaw aniya ang direktiba ng Pangulo na ayusin pa ang pakikipagtulungan sa mga namumuhunan na pumapasok sa bansa sa pamamagitan ng ‘Ease of Doing Business’ para magtuloy-tuloy ang pagkakaroon ng trabaho ng mga Pilipino.
Sa pamamgitan din aniya nito ay mas maeengganyo ang mga amumuhunan na magdagdag ng mga negosyo nila sa bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco